Teorya ng pangkalahatang relatibidad

Sa pangkalahatang relatibidad, ang grabidad ay kurbada(pagkakabaluktot) na dulot ng presensiya ng materya(sa larawang ito ay kumakatawan sa mundo) sa espasyo-panahon. Ang kurbadong landas ang orbito na sinusundan ng buwan sa pag-ikot nito sa mundo.

Ang Teoriyang pangkalahatang relatibidad o pangkalahatang relatibidad (sa Ingles ay general theory of relativity o general relativity) ay ang heometrikong teoriya ng grabitasyon na inilathala ni Albert Einstein noong 1916.[1] Ang teoriyang ito ay inilalarawan ng mga ekwasyong field ni Einstein. Ito ang teoriya na sa kasalukuyang panahon(2011) ay tinatanggap ng nakakarami sa pamayanang siyentipiko(scientific community) na tamang paliwanag ng grabidad dahil ang mga prediksiyon ng teoriyang ito ay nakumpirma ng lahat ng mga obserbasyon at eksperimento na ginawa ng mga siyentista o siyentipiko. Bukod dito, ang teoriyang ito ang basehan ng kasalukuyang kosmolohikal na model ng paglawig ng uniberso na mas kilala sa tawag na big bang. Isa rin sa prediksiyon ng teoriyang ito ang pag-iral ng mga itim na mga butas(black holes) o mga rehiyon sa espasyo-panahon na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito.

  1. "Nobel Prize Biography". Nobel Prize Biography. Nobel Prize. Nakuha noong 25 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Developed by StudentB